Thursday, June 7, 2012

Cristine Reyes admits she feels pressured about her upcoming serye

012512-cristine_main.jpgOfficially nang ni-launch si Cristine Reyes bilang kasama sa cast ng higanteng serye na ipapalabas sa Primetime Bida kasama sina Maricar Reyes, Jericho Rosales at Piolo Pascual. Pagkatapos ngReputasyon, ipapalabas na soon ang Nang Dahil sa Pag-ibig kaya naman natanong ng Push.com.ph si Cristine kung ano ang nararamdaman niya.

“Yes! After Reputasyon, a new drama series namanand I’m so excited and first to work with Piolo Pascual because it’s our first project together and second project namin ito ni Maricar at ni Echo so I’m very excited because I know na magagaling silang lahat na artista and I’m hoping na subaybayan ito ng mga tao.

Inamin din ni Cristine na nakakaramdam siya ng pressure dito sa bago niyang proyekto dahil sa galing ng mga aktor na kanyang makakasama. “Yes may pressure but I think mas excited kesa sa pressureddahil mas looking forward ako dito sa project na ito dahil primetime and yung mga katrabaho ko magagaling na artista and the project itself its very good.”

Napanood si Cristine sa Precious Hearts Romances Kristine na sexy at daring. Sa Reputasyon naman, nakita ang husay niya sa pag-arte nang hindi masyadong nagpapakita ng skin. Dito naman sa Nang Dahil Sa Pag-ibig, ano naman maaasahan sa aktres? “Different siya unang-una sinabi ko sa kanila na ibang-iba ako sadrama series na ito kasi yung mga unang naggawa ko sa sa ABS puro old maid; ‘di ako pwedeng mag-glam omag-ayos. Bawal ang mag-heels so this time naman, different talaga, beauty, glam, yun yung peg ng characterko dito so I’m so excited dahil sa new look, new role tapos…. basta excited ako sa lahat kaya sana abangan nila.”

May similarity ba ito sa look niya sa No Other Woman? “Bago siya, hindi mo siya makikita sa ibang roles na ginawa ko na so very different from other roles so kahit ako mismo excited din.”

Nasaksihan ng marami ang mga pinagdaanan ni Cristine pagdating sa pag-ibig kaya naman natanong ng Push ang aktres kaakibat na rin ng title ng kanyang serye kung ano ba ang mga natutunan niya Nang Dahil Sa Pag-ibig at ang nasagot ng dalaga, “Siyempre magtira ka ng kaunti para sa sarili mo, mahalin mo din ang sarili mo.”

Abangan ang Nang Dahil sa Pag-ibig sa Primetime Bida.

No comments:

Post a Comment